Miss

Una po sa lahat, nag come up po kami sa ganitong slogan sapagkat napapansin namin na sa ngayong henerasyon ay hindi na masyadong ginagawa o pinapahalagahan ang wika at kultura ng mga Pilipino. Dahil siguro ito sa naa-adapt nila o tayo na kultura ng ibang bansa. "Kultura'y Ibalik Palaganapin Gamit ang Wikang Sariling Atin" Nais namin sa pamamagitan ng slogan na ito ay maibalik o muling maipalaganap ang kultura ng mga Pilipino sa tulong ng wika. Hindi naman natin maiaalis na magustuhan o humanga sa kultura ng iba at gayahin ito pero kung maaari sana ay mas lamang ang paggamit ng wikang Pilipino at kulturang Pilipino. Larong Pinoy. Nagsasayaw ng Tinikling. Santacruzan. Ilan lang yan sa kultura ng mga Pilipino na dapat na pahalagahan at payabungin. Simple lang po nagawa naming poster subalit sa tingin po naman namin ay nailahad o naipakita namin ang ilan sa kultura ng mga Pilipino. Ang larong pinoy na ngayon ay madalang nalang makita na nilalaro ng mga...